MANILA, Philippines – Pinagpapaliwanag na rin ng Commission on Elections (Comelec) ang mayoralty candidate ng Silang, Cavite dahil sa kanyang discriminatory remarks sa kanilang campaign sortie sa mga lola at solo parents.
Ayon sa Comelec, si Alston Kevin Anarna ay padadalhan ng show cause order kaugnay sa kanyang naging pahayag noong Marso 29.
Kabilang sa kanyang discriminator remarks ang pahayag na hindi niya na mabilang kung ilan ang kumurot sa kanyang puwet at nilaplap siya ng isang lola.
Bukod dito, sinabi rin ni Anarna na bibigyan niya ang mga solo parent ng libreng asawa.
“Ang gagawin natin, lahat ng balong lalaki at lahat ng balong babae, ira-rffle na lanag natin yan, ha.”
Sinabi ng Task Force Safe na ang nasabing pahayag ay bumubuo ng posibleng paglabag sa Comelec Resoluion No. 11116 o ang Anti-Discriminationand Fair Campaining Guidelines pra sa 2025 elections.
Ang kaso ay nauugnay sa gender-based harassment.
Inilabas din ng poll body ang supplemental resolution nito, na idineklara ang lahat ng aktibidad at lugar ng halalan bilang “safe spaces” at foul language bilang isang election offense. Jocelyn Tabangcura-Domenden