Pope Francis gestures as he appears for the first time since his return to the Vatican, in Saint Peter square, at the Vatican, April 6, 2025. REUTERS/Remo Casilli TPX IMAGES OF THE DAY
VATICAN – Biglang bumisita si Pope Francis sa St. Peters Basilica nitong Huwebes, Abril 10, ang kanyang pangalawang surpresang kaganapan sa loob ng dalawang araw pagkatapos ng kanyang pakikipagpulong kay King Charles III sa kabila ng kanyang patuloy na pagpapagaling.
Nitong Huwebes ng hapon, pumasok ang Papa sa malawak na Basilica sakay ng kanyang wheelchair, binati ang mga manggagawang nakikibahagi sa restoration work at ilang nagtitipon na mga peregrino, iniulat ng Vatican News.
Sinabi ni Monsignor Valerio Di Palma, ang canon ng St Peter’s, sa Vatican News na ang pagpapakita ng Papa ay nagdulot ng “sobrang emosyon.”
Nagtungo ang Papa sa puntod ni Pope Pius X upang manalangin bago umalis pabalik sa Santa Marta guesthouse kung saan siya namamalagi.
Nakipagpulong din noong Miyerkules si Francis kay King Charles at Queen Camilla. Ang hari ay ang pinuno ng Protestant Church ng England.
Binati ni Francis ang royal couple, na nagdiwang ng kanilang ika-20 anibersaryo ng kasal noong Miyerkules, sinabi ng palasyo at ng Vatican.
Sa panahon ng pagkikita, ang hari — na tumatanggap ng paggamot para sa kanser — at ang Papa ay nagpalitan din ng mga pagbati para sa kalusugan ng bawat isa, sinabi ng Vatican. Jocelyn Tabangcura-Domenden