Home METRO P800K halaga ng marijuana, nadiskubre

P800K halaga ng marijuana, nadiskubre

TINGLAYAN, Kalinga – Umaabot sa P800,000.00 halaga ng marijuana plants ang muling nadiskubre, nabunot at sinunog ng mga otoridad sa bayan ng Tinglayan, Kalinga.

Sa nakuhang impormasyon, nagsanib-pwersa ang mga tauhan ng Pasil Municipal Police Station (MPS), Tinglayan PNP, 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company, PDEU, at PDEA Kalinga na nagresulta sa pagkakadiskubre ng isang plantasyon ng marijuana na may lawak na 400 square meters.

Nasa 4,000 na marijuana plants naman ang kanilang matagumpay na nabunot at sunod na sinunog sa lugar.

Sa ngayon ay inaalam pa ng otoridad kung sino ang nasa likod ng mga pananim na ipinagbaabawal na gamot o marijuana. REY VELASCO