MANILA, Philippines – Minamadali na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road maintenance activities bilang paghahanda sa inaasahang pagbuhos ng mga manlalakbay sa paggunita ng Semana Santa.
Ayon sa DPWH, puspusan na ang pagsasaayos ng mga kalsada, paglilinis ng mga daanan, pagpipinta ng kumupas na road markings, at paglalagay ulit ng mga bagong road signs.
Sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na pagaganahin na rin nila ang Lakbay Alalay 2025 para masiguro ang kaligtasan ng mga motorista.
Binubuo ito ng mga uniformed field at crew personnel na itatalaga sa mga national raod mula Abril 16 hanggang Abril 19.
Ipinag-utos din ni Bonoan na siguruhing maayos ang schedule ng mga isinasagawang road projects nang hindi nakokompromiso ang kaligtasan ng publiko. Jocelyn Tabangcura-Domenden