Home METRO Billones bagong arsobispo ng Jaro

Billones bagong arsobispo ng Jaro

MANILA, Philippines- Itinalaga ni Pope Francis si Cebu Auxiliary Bishop Midyphil Bermejo Billones bilang bagong arsobispo ng Archdiocese of Jaro.

Ang pagkakatalaga kay Billones ay kasabay ng Pista ng Nuestra Senora de la Candelia (Our Lady of Candles), ang patroness saint ng Western Visayas sa nasabing lungsod.

“The Holy Father Pope Francis has appointed His Excellency, Most Rev. Midyphil B. Billones, D.D., as the new archbishop of Jaro around 12 noon in Vatican City or 7 p.m. Philippine time,” sabi ng Archdiocese of Jaro-Commission on Social Communications.

Si Billones ay hinirang ilang oras pagkatapos niyang pangunahan ang Solemn Pontifical Mass sa Jaro Cathedral bilang parangal sa Our Lady of Candles – ang tanging imaheng Marian na kanonikal na kinoronahan ni Saint John Paul II noong siya ang papa.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng Our Lady of Candles sa kanyang homiliya.

Si Billones ay tubong bayan ng Panay, lalawigan ng Capiz. Nag-aral siya sa Saint Vincent Ferrer Seminary malapit sa Jaro Cathedral. Si Billones ang papalit kay Archbishop Jose Romeo Lazo. Jocelyn Tabangcura-Domenden