MANILA, Philippines- Humiling ang ilang bangko sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bigyan sila ng two-year period na kanilang gagamitin bilang ‘soft landing’ para magawa ang panukalang alisin ang interbank transfer fees.
Sinabi ni BSP deputy governor Mamerto Tangonan na may iba’t ibang feedback mula sa bangko ukol sa pagtanggal ng transfer fees, ang InstaPay fees mula P8 hanggang P75 sa bawat transaksyon at mula P8 hanggang P600 kada PESONet consumers.
“May mga sumuporta, pero may ibang nagpahayag na it will affect their business. And also another large number said that ‘Yes, we know that it’s gonna come, but provide us a soft landing… Two years daw so they could adapt,” ayon kay Tangonan.
Ani Tangonan, kailangan pa ring magdesisyon ng Monetary Board kung katanggap-tanggap ang two-year period.
Noong nakaraang taon, ipinalabas ng BSP ang draft circular na mag-aalis sa halaga o magiging gastos sa person-to-person electronic money transfers, at kung magkano ang babayaran sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs). Binigyan ng draft circularI ang BSP-supervised financial institutions (BSFIs) ng hanggang Oktubre 11 para sa feedback.
Nakasaad sa draft circular na ang transfers o paglilipat ay ‘free of charge’ para sa personal transactions kung nasa loob ng threshold na itatakda ng BSP gaya ng bilang remittances o para sa pagpapautang na hindi naman kasama sa paraan ng pagnenegosyo at ito’y hindi regular na lumalampas ng 10 beses sa isang linggo.
Ang transaction fees ay kokolektahin para sa transaksyon sa kabila ng itinakdang mga thresholds.
“There’s a segment that says that either ‘Our business model is not so conducive of that’, or they said that ‘Okay, we soo it coming, but we’re not ready yet. Give us a bit more time’,” ayon kay Tangonan.
“We’re trying to see a balance where as much as possible, we can bring most of the industry participants towards that, so that’s what we are discussing with them. That’s what we are figuring out,” dagdag niya.
Matatandaang Setyembre ng nakaraang taon nang ihayag ng BSP na nakikipag-ugnayan na ito sa ibang mga bangko na alisin ang interbank transaction fees, kasama si governor Eli Remolona Jr. sinabi nito na ang reserve requirement ratio (RRR), o halaga ng cash na kailangan ng bangko na nasa reserves kontra deposito na ginawa nito, maaaring bawasan ng 0% sa panahon ng kanyang termino.
“With a 0% reserve requirement ratio, banks could utilize the reserves instead of parking them with the central bank without any interest earned, which could then offset the costs incurred by banks for interbank transfers,” ayon sa ulat.
Kasalukuyang nakatakda sa 7%, sinasabing kabilang sa pinakamataas sa buong mundo, nagpahiwatig si Remolona na maaaring bumaba ito ng kasing baba ng 5% ngayong taon.
Winika pa ni Tangonan na dapat na magkaroon ng polisya ang BSP para sa pagtanggal ng interbank transfer fees ngayong taon, posibleng magkaroon ito ng transitory provision para sa bangko para magawa ang unti-unting pagbalanse.
“It’s hard to give a deadline, pero [but] we seem to be, we see convergence where it’s acceptable to most industry participants, so mahirap lang magbigay ng [it is difficult to give a] timeline,” ang sinabi ni Tangonan.
“Maybe if ever within the year, it’s a policy [that] maybe we’ll provide maybe for a reasonable transitory provision,” patuloy niya. Kris Jose