Home ENTERTAINMENT Sanya, iginiit na never nagpasaring kay Barbie!

Sanya, iginiit na never nagpasaring kay Barbie!

Manila, Philippines – Mga netizens lang ang nagbibigay ng kahulugan sa kanyang cryptic post.

Ito ang iginiit ni Sanya Lopez na sumusumpang hindi niya pinatatamaan si Barbie Forteza kung meron man siyang cryptic post.

Naitanong kasi sa Kapuso actress kung ano ang kanyang reaksyon sa breakup ni Barbie at ng kanyang kuya Jak Roberto.

Ani Sanya, siyempre’y malungkot siya.

Pero hanggang doon na lang daw ‘yon.

Ayaw naman daw niyang uriratin ang kapatid what led to the breakup.

Besides, si Jak daw ang tipong sinasarili ang kanyang kinakaharap sa buhay.

But if asked for an advice, naroon naman daw si Sanya to support her elder brother.

Nakatulong din daw na magkabukod sila ng tirahan kung kaya’t hindi kailangan ni Sanya na tutukan ang bawat kilos ng kapatid.

Lastly, nilinaw ni Sanya na kung anuman ang dahilan ni Barbie sa likod ng pakikipagkalas sa kanyang kuya ay wala siyang hinanakit ni katiting sa kapwa Kapuso actress. Ronnie Carrasco III