Home ENTERTAINMENT Bimby, may health update kay Kris!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Bimby, may health update kay Kris!September 13, 2024 19:10 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Orange County, USA – No doubt na musika sa tenga ng mga fans and supporters alike ni Kris Aquino ang ibinidang health update nito ng anak na si Bimby.Ito ang naitanong ni Darla Sauler, headwriter ng Kris TV at kaibigan ni Kris, nang mag-reunion sila sa Orange County kamakailan.Ipinasundo pa nga raw ni Kris si Darla mula sa tinutuluyan nitong hotel sa Ontario en route to OC.Halatang pinaghandaan na nina Kris ang pagdalaw ni Darla.Si Bimby ang sumalubong dito at naging punong-abala sa pagluluto.Bimby prepared steak na inihanda na niya noon kay Darla back in Quezon City.Ibinida rin ni Bimby ang pagluluto ng spaghetti sauce mula raw sa recipe ni Kris.Nilaga naman ang niluto ni Kris.Darla asked Bimby how his mom is, at ang tanging sagot nito’y: “Getting better!”Nang tanungin naman kung kailan sila uuwi, Bimby said: “Soon!”Mismong kay Kris na rin nanggaling they’d be back home this September, the latest is October.Tinanong uli ni Darla si Bimby kung tuloy na ba ang pagpasok nito sa showbiz.Ani Bimby ay hindi pa raw niya masagot.“Pero Darla, kung magba-vlog ka, sama ako! Let’s vlog everyday!” sey ni Bimby.On Kris, very evident that her face lit up nang magkita silang muli ni Darla.Darla had served as headwriter of Kris TV from 2011-2016. Ronnie Carrasco III