MANILA, Philippines – Nakatakdang ikasa ng Land Transportation Office (LTO) ang pagbibigay ng psychological tests sa lahat drayber na sangkot sa road rage incidents at iba pang pagkakaron na kumilos laban sa kanilang normal na pag-uugali.
Binanggit ng ahensiya ang halimbawa tulad ng isang traffic enforcer na kinaladkad sa unahan ng kotse habang nagtangkang tumakas ang drayber sa Taguig City noong nakaraang buwan.
Suspendido ang drayber habang dinidinig ng LTO ang kaso at nakatakdang resolusyunan sa susunod na linggo, ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, sa pahayag.
“I want to make sure if he is penalized, and he’s allowed to drive again or continue driving, dapat psychologically fit ka rin,” ayon kay Mendoza sa interview.
Ikinatuwiran ng SUV driver na pinabilis nito ang kanyang takbo sa takot na pagkaisahan siya ng ilang motorcycle driver, na nakaaway sa lsangan, kabilang ang taumbayan na nakatanghod sa lugar.
Hindi pinatulan ni Mendoza ang kanyang paliwanag na pawang nakakabahala.
“If nag-panic lang siya for that particular purpose, e kung panic siya nang panic? That’s something that we need to make sure that does not happen again. Before that license is given back or the privilege to drive is renewed, mag-psychological test ka muna,” aniya.
Kaya’t sinabi ni Mendoza na pinag-aaralan ng ahensiya ang pagbibigay ng psychological test sa lahat ng kamote o erring driver.
“We’ve worked with psychologists in coming out with a test that we can use in order to make sure na hindi lang siya physically fit to drive but also mentally and psychologically fit to drive… Pinapa double time ko na yan after all these in incidents,” aniya.
Pero, nilinaw nito na hindi sakop dito ang sinuman na nag-aaplay sa pagkuha ng lisensiya sa pagmamaneho.
Sinabi ni Mendoza na gusto ng LTO na gayahin ang patakaran sa ibang bansa na ipinatutupad ang naturang test sa mga “kamote drivers.”
“We’re trying to parallel with other countries also that have already adopted this and see what the record is. Gumanda ba ang record? Nauulit ba?” aniya. Ernie Reyes