Home NATIONWIDE 2 laglag sa P13.6M shabu sa MisOr

2 laglag sa P13.6M shabu sa MisOr

39
0

MANILA, Philippines – Laglag sa mga awtoridad ang dalawang high-value drug suspects matapos makumpiska ang nasa P13.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Magsaysay, Misamis Oriental nitong Linggo, Hunyo 7, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa pahayag, ikinasa ng PNP ang operasyon sa Barangay Cabantian sa Magsaysay na nilahukan ng PNP Drug Enforcement Group, iba pang police units, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nakuha sa operasyon ang dalawang kilo ng hinihinalang shabu.

Ang mga nakumpiskang shabu ay itinurn-over sa Regional Forensic Unit 10 para sa pagsusuri. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here