Manila, Philippines- Marami ang nagpahayag sa abot-kaya ng masang presyo ng concert ticket sa Manila Silver Star Show ng multi-awarded Fil-Am popstar na si Olivia Rodrigo na gaganapin sa Philippine Arena sa Oktubre 5.
Sa anunsyo ng Live Nation, P1,500 ang admission price sa nasabing historic event na bahagi ng GUTS World Tour ni Rodrigo.
Iyon nga lang, random ang seating at malalaman ito sa araw mismo sa venue ng concert, so masuwerte ang makakakuha ng front o VIP seats.
Ang nasabing concert ay isang show for a cause na ang proceeds ay mapupunta sa Olivia’s Fund for Good, isang global initiative na sinusuportahan ni Olivia na layuning itaguyod ang kapakanan ng mga kababaihan.
Dahil dito, maraming netizens ang humanga sa pagiging humanitarian ng American singer-songwriter at actress.
Hirit ng mga nagmamaldita, sinampal daw ni mareng Olivia ang BINI at iba pang concert artists sa bansa na hamak na mas mahal pa ang tickets sa kanyang show.
Nangangahulugan lang daw ito na nabasa ng “High School Musical” series star ang pulso ng masang Pinoy.
Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng netizens sa naging pasabog ni Rodrigo.
“This is going to be a historic event, so cool for her to do this.”
“Honestly so stoked to see she’s doing this for the homeland. As a fellow FilAm, I’m proud to see this! Good for her!!”
“It’s probably because Olivia’s actually half Filipina and the concert is kind of a ‘ homecoming’ for her. She’s never been to the Philippines before, so it might be a little gift to the locals and the motherland!”
“She’s doing queen shit. So proud of her.”
“From 32k AVERAGELY to 1,5k??? Grabe this is pure charity talaga. She’s gonna earned nothing baka malaki pa abuno nya.”
“The only Rodrigo that matters hahahaha.”
“All proceeds will go to charity pa.. so parang free show niya lang talaga to for the Philippines.”
“Tapos magkano yung sa BiniVerse?”
“Pang top up for soundcheck lang ng BINI yung 1500.”
“Damn Bini and star should be embarassed right now. I’m no bini hater but charging for those prices knowing teens ung fanbase nila…”
“Nahiya yung BINI sa mahal ng ticket nila. HAHA. Gatas na gatas ng management lol.” Archie Liao