Home HOME BANNER STORY Arrest order ‘di tinanggap ng kampo ni Roque

Arrest order ‘di tinanggap ng kampo ni Roque

(Cesar Morales | Remate File Photo)

MANILA, Philippines- Tumanggi ang mga tauhan ng abogado at dating presidential spokesperson Harry Roque na tanggapin ang arrest warrant na isinilbi ng mga awtoridad laban sa kanya nitong Biyernes, base kay House Secretary General Reginald Velasco.

Sinabi ni Velasco, batay sa mga ulat sa House sergeant at arms, na hindi tinanggap ng staff ng law office ni Roque sa Makati ang arrest warrant na dinala “around 9 am today.” 

“Elements of NCRPO are still at the place [of Roque’s law office] waiting to effect the arrest,” dagdag ni Velasco. 

Ang NCRPO ay ang National Capital Region Police Office.

Nakasaad sa contempt citation ni Roque ang detention order sa House of Representatives hangga’t hindi natatapos ang imbestigasyon ng kapulungan sa POGO-related crimes.

Nauna nang sinabi ni Roque na ang House probe ay isang “kangaroo court” at hindi natukoy ang nagawa niyang krimen.

Dating tagapagsalita sa termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, itinanggi ni Roque ang papel sa illegal POGO operations.

Subalit, inamin niyang nagbigay siya ng legal counsel sa Whirlwind Corporation, nagmamay-ari ng ng lupain kung saan matatagpuan ang sinalakay na POGO hub sa Porac, Pampanga, kung saan natuklasan ang umano’y criminal activities tulad ng torture at scam hubs.

Pinauupahan ng Whirlwind Corporation ang mga gusali sa lupain nito sa POGO firms. RNT/SA