Home ENTERTAINMENT Bimby, nagkaroon ng ‘one day girlfriend’!

Bimby, nagkaroon ng ‘one day girlfriend’!

Los Angeles, USA – One day boyfriend.

Ito ang peg ni Bimby na naka-date ang panganay ni Ogie Diaz sa Disneyland, USA.

Si Erin Diaz–na bale inaanak ni Kris–ang ka-date ni Bimby.

Siyempre, may basbas ‘yon mula kay Kris.

“Hindi ba ako madedemanda nito?” nangingiting tanong ng dalaga nang anak ni Ogie dating 17-year-old Bimby.

Sa simula nga’y out of respect ay “ate” ang form of address ni Bimby kay Erin.

Sa a little more than 10 minutes na vlog ni Erin, she and Bimby went around Disneyland.

At one point, sinubuan pa ni Erin ng pagkain si Bimby.

They strolled around na parang magnobyo with Bimby’s arm pa nga on Erin’s shoulder.

Pareho namang game ang dalawa, with Bimby laughing his way all throughout their date.

‘Yun ang isa sa mga huling tagpo bago bumiyahe pabalik ng Pilipinas si Bimby.

Sa maraming anggulo, kapansin-pansin ang features ni Bimby na walang dudang namana mula sa ina.

Even with the way he speaks, male version ni Kris ang matalinong anak.

Best of all, no doubt ding malakas ang charm at charisma ni Bimby sa tao even to those na hindi niya kilala.

Indeed, the apple does not fall far from the tree.

Tama nga ang hinala namin, Bimby will likely have a hosting career back home.

At panigurado, Bimby will give other celebrity kids his age a run for their money!

Aside from school, ‘yun din ba ang dahilan kung bakit nasa bansa na si Bimby? Ronnie Carrasco III