Home ENTERTAINMENT Heart, nahulog sa hagdan!

Heart, nahulog sa hagdan!

Manila, Philippines – May kasabihan nga na wala ‘yon sa pagkadapa kundi sa pagbangon.

Literal ngang nadapa as in Heart Evangelista had a freak accident while descending the stairs.

Ang siste, the fashion icon couldn’t get enough of the pair of pants na sa sobrang kursunada niya’y isinuot niya ito.

Kaso, mahaba ang laylayan nito: dahilan para mapatid niya ang kanyang sarili na nagresulta ng pagkakahulog niya sa hagdan.

On her Instagram live, ibinahagi ni Heart ang kanyang tinamong sugat.

As expected, bumaha ng ambivalent reactions ang karanasang ‘yon ng misis ni Sen. Chiz Escudero.

Bumangka ang mga maka-Pia Wurtzbach na sinisisi si Heart sa pakikipaglumpitensya sa beauty queen.

Kesyo tanggapin na raw ni Heart that her fashion weeks are over dahil kinabog na siya ni Pia.

‘Yung freak accident ni Heart, akalain niyong nahanapan pa talaga ng kunek kay Pia.

Eto ang dalawang kababaihan na walang kamalay-malay na pinagsasabong!

Ayon naman sa mga neutral na netizens, hindi kaya it’s about time Heart and Pia spoke up to clarify once and for all that no bad blood exists between them?

Palala na kasi nang palala ang imagined competition sa kanilang dalawa gayong there appears none at all! Ronnie Carrasco III