Home NATIONWIDE Ilang bahagi ng bansa uulanin sa ITCZ, easterlies

Ilang bahagi ng bansa uulanin sa ITCZ, easterlies

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan at thunderstorm ang Intertropical Convergence Zone at easterlies sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, ang Mimaropa, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa ITCZ.

Magdadala naman ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang easterlies sa Bicol Region, Aurora, at Quezon.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan naman na may isolated rain showers o thunderstorms ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan at isolated rain showers o thunderstorms dahil sa ITCZ. RNT/JGC