Home HOME BANNER STORY Katawang nadiskubre sa Tarlac, kumpirmadong sa beauty queen at Israeli fiancé –...

Katawang nadiskubre sa Tarlac, kumpirmadong sa beauty queen at Israeli fiancé – NBI

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni National Bureau of Investigation Director Jaime Santiago na ang mga katawang nadiskubre sa Capas, Tarlac ay ang nawawalang beauty pageant contestant na si Geneva Lopez at Israeli fiancé nitong si Yitzhak Cohen.

Matatandaan na nahukay ng mga awtoridad ang bangkay ng dalawa sa bakanteng lote sa quarry site sa Capas.

Ayon kay Santiago, isinailalim sa autopsy at DNA test ang mga nahukay na katawan.

Inilunsad ang paghahanap sa mga biktima matapos na mag-isyu ng warrant ang Tarlac City Regional Trial Court-Branch 111 nitong Hulyo 5, 2024.

Wala pang pahayag ang pamilya ni Lopez at Cohen sa kumpirmasyong ito ng NBI. RNT/JGC