MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang dalawang dating pulis, isang real estate middleman at isa pang person of interest na umano’y sangkot sa pagkawala ng beauty pageant candidate na si Geneva Lopez at Israeli fiancé na si Yitzhak Cohen sa Tarlac nitong Sabado, Hulyo 6.
Narekober sa mga ito ang iba’t ibang armas at granada sa operasyon sa ilalim ng Oplan Paglalansag Omega, na kampanya ng pamahalaan laban sa private armed groups at loose firearms.
Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang pagkakaaresto ni Michael Angelo Guiang sa paglabag sa RA 10591 — the Comprehensive Firearm and Ammunition Regulatory Act — at RA 9516, at kay Rommel Abuza sa paglabag sa RA 10591. RNT/JGC