Home ENTERTAINMENT Karla, napikon, tinalakan ang post ng glossy mag!

Karla, napikon, tinalakan ang post ng glossy mag!

Manila, Philippines – Tinalakan ng ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada sa Facebook ang isang glossy magazine.

Nag-post kasi sa socmed ang FB page nito na binebenta ni Karla ang bahay na ipinatayo ng anak niya para sa pamilya nila.

Matatandaan na kumalat ang balitang binebenta ni Karla ang bahay nila. Pagkatapos ay kung anu-ano’ng espekulasyon na ang ikinabit ng netizen sa rason kung bakit binebenta ni Karla ang bahay niya.

Kaya naman ‘di na nakapagpigil si Karla at nirepost niya sa socmed ang pinost ng glossy magazine, ang piktyur ng bahay nila na diumano’y binebenta na ni Queen Mother ang “palasyo” niya.

Caption ni Karla, “Pasensya na at tatapusin na natin ang tungkol sa bahay ko at tigilan na ang pag l-post ng bahay ko kasama ang mga anak ko pati narin ang 80yrs old na nanay ko..baket??? Para Saan at kasama ang family picture namin??

“Nakakatuwa naman ang Preview.ph at may panahon pa na ma-post ang bahay ko na for sale since 3yrs ago. At hindi lang bahay ko ang may picture pati kami ng nga mga anak ko ha.

“Tanong ko lang, ano po ang koneksyon ng picture naming mag-iina sa bahay na for sale, eh, may pangalan naman na buo pa nakasulat na ako ang may-ari ng bahay.

“Ano ba ang dapat talaga pag nagbenta ang isang tao ng ari arian nya.

“Ipaliwanag ang dahilan ng pagbebenta?

“Kasama ba sa requirements ng mga broker ang sabihin ang dahilan pag nagpapabenta ng properties namin?

“Kailangan naghihirap na sa buhay agad kaya nagbebenta ng ari arian?

“Medyo malayo ata sa katotohanan yun. Kase masisipag kami sa buhay.

“Kaya may katanungan ako dahil Wala kaseng write-up na maayos para sa post na ito.

“Miss Cat Cabral from preview.ph, kung ano ano na ang kuro kuro ng mga sawsawero at sawsawera.

“Basta pinost nyo lang sa wall nyo, eh, napakaluma na ho at di nyo naman trabaho na ipost yan nang paulit-ulit unless broker na ang pahayagan nyo.

“Ok lang kung ipinagtatanggol nyo kami sa nga sawsawero’t sawsawera na walang masabing matino kasi nga puro haka-haka lang.

“Mas alam pa nila ang dahilan ng pagbebenta ko ng isa sa mga ari-arian namin.

“Tsk tsk…dami n’yong oras magbigay ng komento sa buhay ng iba na walang kayong alam ha. Pero check nyo muna baka may mga kapamilya kayo dyan na kumakalam ang sikmura, unahin nyo yun.”

Sa last part ng caption ay inanunsyo na ng ina ni Daniel na ‘di na niya ibebenta ang bahay nila.

“O. Eto na. Para na rin sa latest update about my house at ng matapos na ang luma nang balitang ito.

“My house is not for sale anymore. Kaya sa mga panay post dyan hangang ngayon, na mistulang pa-broker na kayo, ayan na ang latest. Para updated naman ang posts ninyo.

“Kung ayaw nyo sa amin wag nyo kami pagaksayahan ng panahon,” talak pa ni Karla.

So, there. Julie Bonifacio