Home METRO Binata kalaboso sa pagdadala ng patalim sa sementeryo

Binata kalaboso sa pagdadala ng patalim sa sementeryo

MANILA, Philippines- Isang 23-anyos na binata ang nakitaan ng patalim sa kasagsagan ng paggunita ng “Undas” nitong Nobyembre 1 ng umaga sa Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Manila.

Nagawa pang manlaban ng lalaki na kinilalang si Antonio De Luna, 23-anyos, vendor ng 24th Street Barangay 372, Manila North Cemetery, Sta. Cruz, Manila.

Batay sa ulat na isinumit eni Police Major Mark Dave Apostol, hepe ng Manila Police District-Blumentritt Police Community Precinct, kay Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, Commander ng MPD-Sta. Cruz Police Station 3 at ground Commander ng MNC, bandang alas-8:20 ng umaga, habangmaraming tao sa sementeryo, namataan ng isang tauhan ng City Hall Security Force ang binata na armado ng patalim sa Main Street ng MNC.

Dahil dito, dinampot ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Article151 ng Revised Penal Code (RPC ), Direct Assault at R.O 864-C (Concealing Deadly Weapon).

Samantala, umabot sa mahigit dalawang milyong katao ang nagtungo sa limang sementeryo sa Lungsod ng Maynila nitong Undas.

Naitala ang pinakamaraming bilang sa Manila North Cemetery na umabot sa mahigit isang milyon.

Nagpasalamat naman si MPD- Director Police Colonel Ibay sa mga Station Commander na nagsilbing tagapangasiwa ng kaayusan at kapayapaan sa araw ng Undas. Rene Crisostomo