Home METRO Cargo vessel lumiyab!

Cargo vessel lumiyab!

MANILA, Philippines Kasalukuyang nasusunog ang isang cargo vessel na nakadaong sa Castilla Anchorage Area sa Barangay Poblacion, Castilla Sorsogon.

Sa inisyal na ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), alas-11 ng umaga nang masunog ang MV Ken, isang cargo vessel na pag-aari ng Pherwin Shipping Corporation na matatagpuan sa Milaor, Camarines Sur.

Agad na nakipag-ugnayan ang PCG sa Philippine Navy (PN) at Bureau of Fire Protection (BFP) para sa joint rescue (SAR) firefighting operations.

Sa ngayon, patuloy na inaapula ng Navy Craft Federico Martin ang sunog katuwang ang mga crew ng barko at MV Anabelle.

Inaantabayan pa ng PCG ang buong detalye ng kaganapan sa nasusunog na barko at sanhi ng pagsiklab nito na umabot na rin sa bridge ng cargo vessel. Jocelyn Tabangcura-Domenden