Home ENTERTAINMENT Resulta ng kaso ng TVJ vs Tape at GMA, malalaman na!

Resulta ng kaso ng TVJ vs Tape at GMA, malalaman na!

Manila, Philippines – Hopefully, bago mag-Pasko ay ibababa na ng korte ang resulta ng kasong copyright infringement under RA 8293 na isinampa nina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon kasama si Jeny Ferre laban sa Tape, Inc. at GMA.

Ang pinakahuling nag-present ng witness ay ang GMA.

After which ay magsusumite na sila ng kani-kanilang memorandum.

Bibilang ng 60 araw bago desisyunan ito ng hukuman, which means ay before Christmas magkakaalakan kung alin sa E.A.T. at Eat Bulaga ang literal na magdiriwang ng maligayang Pasko.

Samantala, mahihinuhang may “pasaring” na naman ang Master Henyo na si Joey sa Instagram.

Flinex kasi ng beteranong TV host-comedian ang isang t-shirt na may nakasulat na quotation.

The quotation reads: “The beginning of wisdom is to call things by their proper name. Wear Eat Bulaga!”

Obyus na katunog ng “wear” ang “we’re” o pinaikling “we are.”

Public knowledge naman na ang nakaisip ng pamagat na Eat Bulaga ay si Joey.

Patuloy pa niya: “We don’t compete. Our aim is to complete 50 years of noontime hosting. Counting tis ngek–konting tis na lang.”

Matatandaang May 31 ng kasalukuyang taon nang magkaroon ng mass exodus ang buong Dabarkads sa Eat Bulaga dahil sa ‘di pagkakaunawaan with Tape, Inc. ng Jalosjos family na siyang producer ng nasabing longest running noontime show sa bansa.

Ang TV5 ang nagsilbing tahanan ng Dabarkads using E.A.T.as its program title pending court decision.

Sa Kapatid network na rin nagdiwang ng kanilang ika-44 anibersaryo ang programa.

Minsan nang idiniga ni Tito Sotto sa pamunuan ng Tape, Inc. na hayaan lang ang TVJ na iselebreyt ang kanilang 50 years at saka sila “sipain.”

Consistently, tinatalo ng E.A.T. sa ratings ang Eat Bulaga pero nitong huli, kabaligtaran ang nangyari.

Mas mataas ang rating ng EB sa E.A.T. Ronnie Carrasco III