Home NATIONWIDE WPS tatalakayin nina PBBM, Japan PM Kishida

WPS tatalakayin nina PBBM, Japan PM Kishida

MANILA, Philippines- Nakatakdang pag-usapan sa Biyernes, Oktubre 3, nina Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Kishida Fumio ang usapin ukol sa  West Philippine Sea (WPS) at Official Development Assistance (ODA) ng Japan.

Si Prime Minister Kishida ay mayroong nakatakdang official visit sa Pilipinas mula bukas hanggang araw ng Sabado, Nobyembre  4, 2023.

Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na bibigyang-diin sa pagbisita ni Prime Minister Kishida sa bansa ang kanyang bilateral meeting kasama si Pangulong Marcos.

“Both leaders are expected to discuss the two countries’ multifaceted and dynamic cooperation on political and security cooperation and economic and people-to-people relations,” ayon sa departamento.

“Among the specific issues to be discussed are the West Philippine Sea, trade and investment, and Japan’s Official Development Assistance (ODA). They will also exchange views on major regional, international, and United Nations issues affecting the region and the world,” dagdag na wika nito.

Opisyal namang tatanggapin ni Pangulong Marcos si Prime Minister Kishida sa isasagawang welcome ceremony sa Palasyo ng Malakanyang, bukas.

Samantala, bago ang pagbisita ni Prime Minister Kishida sa Pilipinas, nagsagawa na si Pangulong Marcos ng kanyang opisyal na pagbisita sa Japan noong Pebrero ng taong kasalukuyan kung saan sinelyuhan ang $13 bilyong halaga ng kasunduan na magreresulta ng libo-libong hanapbuhay para sa mga Filipino. Kris Jose