Home METRO Binata kulong sa P.3M shabu sa Navotas buy bust

Binata kulong sa P.3M shabu sa Navotas buy bust

MANILA, Philippines – NASA mahigit P.3 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa isang binata na sangkot umano sa pagbebenta ng illegal na droga matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong suspek na si Aldrian Jocson, 21 ng Danny Bangus St., Brgy., Tangos North.

Sa ulat ni Col. Umipig kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Rizalito Gapas, dakong alas- 11:20 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt Luis Rufo Jr ng buy bust operation matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta ng shabu ng suspek.

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P12,000 halaga ng droga kung saan sa M. Naval St., Brgy. Sipac Almacen ang napagkasunduan nila na gaganapin ang kanilang transaksyon.

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinakma ng mga operatiba.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 52 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P353,600 at buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at 11-pirasong P1,000 boodle money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura