Home NATIONWIDE Binata patay nang malunod sa ilog sa Albay

Binata patay nang malunod sa ilog sa Albay

285
0

MANILA, Philippines — Patay ang isang 18-anyos na lalaki matapos malunod habang lumalangoy sa Bacolod River sa Libon, Albay noong Biyernes, Setyembre 26.

Ayon kay Ian James Secillano, hepe ng municipal disaster risk reduction and management office, ang labi ng biktima ay narekober ng rumespondeng rescuer sa Barangay Bacolod dakong 6:40 a.m. ng Sabado, Setyembre 27.

Ayon kay Secillano, sumama ang binata sa isang kaibigan para maligo sa ilog noong hapon ng Biyernes ngunit kalauna’y nawawala na.

Tinangka pa ng mga residente na iligtas ang biktima ngunit nahirapan dahil sa delikadong kondisyon ng ilog.

“The rescuers said the water looked calm yesterday on the surface but had a strong current below,” ani Secillano.

Bagaman malapit ang Albay sa Masbate na binayo ng Severe Tropical Storm Opong noong Biyernes, nakaligtas naman ang probinsya sa pinsala mula sa bagyo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here