Manila, Philippines- Sa kanyang bagong panayam, kinumprma ng dating actress-beauty queen Melanie Marquez, sa Pep.Portal na may balak na ang kanyang bunsong anak na si Abraham Lawyer na lumagay sa tahimik.
Nakuha ni Abraham ang atensiyon at paghanga ng publiko nang suportahan niya ang pagsali ng kanyang kapatid na si Michelle Dee sa Miss Universe 2023 na idinaos sa El Salvador.
Dumami ang mga tagahanga ni Abraham dahil sa kanyang artistahing hitsura na naging daan para magkaroon siya ng TV guestings at product endorsements.
Noong nakaraang taon, bumalik si Abraham sa Amerika para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at dito niya nakilala ang American girlfriend niyang si Kaylan Nesbeth.
Sa Instagram post ni Kaylan, inilabas niya ang mga larawan nilang magkasama ni Abraham.
Caption niya, “We are getting married.” Ador Saluta