MANILA, Philippines- Sinabi ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na nagkaroon ng pagbaba sa retail price ng asukal sa bansa.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing, tiniyak ni SRA Administrator Pablo Luiz Azgona na may sapat na suplay ng raw sugar at refined sugar.
“Harvest season pa po ngayon. So sa presyohan po, yung presyo sa farmers natin tumaas siya and nasa level siya more or less the same as last year at the same time po,” ang sinabi ni Azgona.
Gayunman, sinabi ni Azgona na ang retail prices ng raw sugar ay bumaba ng P73 kada kilogram.
“This was an 11% drop from March 2024’s P82 retail price,” ayon sa March 22, 2024 price monitoring report ng SRA.
Sa kabilang dako, sinabi ni Agzona na ang retail price ng washed sugar ay bumaba ng 12% o P76 per kilogram habang ang refined sugar retail prices ay bumaba naman ng 1% at ngayon ay P86 per kilogram.
Sa pagkukumpara sa March 2024 SRA report, bumaba ang presyo mula P82 para sa washed sugar at P88 para naman sa refined sugar.
“Siguro po, since pumasok si Sec. Tiu Laurel po hanggang ngayon, na-maintain na po natin yung presyohan po ng refined sugar. Nasa P85 to P88 po siya. Almost two years na po siya,” ang sinabi ni Azgona.
Samantala, ibinahagi naman ni Azgona ang illegal sugar imports na nakumpiska sa loob ng bansa na ibinigay naman sa Department of Agriculture o ipinagbili sa pamamagitan ng auctions na isinagawa ng Bureau of Customs.
Winika pa nito na mahalaga na magpatupad ng wastong tariff classification sa asukal para mapanatli ang seguridad at integridad ng domestic sugar market.
“Yung main reason po natin dito is not to regulate the imports but to gather accurate data kung ilan talaga pumapasok. Yung effect po dito sa industry, we noticed a slight drop in demand sa refined sugar sa industry. Bumaba ang demand ng refined sugar natin ng mga almost 4%. However, yung demand for locally produced refined sugar, tumaas ng 22%. Yung demand po natin sa imported bumaba ng 32%,” ang sinabi pa rin ni Azgona.