Home METRO Binatang rapist na Top 9 MWP sa region 2, arestado

Binatang rapist na Top 9 MWP sa region 2, arestado

MANILA, Philippines – Bumagsak na sa kamay ng pulisya ang tinaguriang Top 9 Most Wanted Person o TMWP regional level na akusado sa kasong statutory rape sa Brgy. Busilelao, Echague, Isabela.

Sa ipinarating na ulat ni PCol. Lee Allen Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO kay PBGen. Christopher Birung Regional Director ng Police Regional Office 2 o PR02, ang akusado ay kinilalang si Jayrence Sebastian, 19 anyos, binata at residente sa nabanggit na lugar.

Naaresto si Sebastian sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na inihain ni Hon. Michelle Gumpal-Videz, Presiding Judge, RTC, Second Judicial Region, Echague, Isabela na walang inirekomendang piyansa o kulong habangbuhay.

Ang nasabing operasyon ay bahagi ng mandato ni PCol. Bauding na hulihin ang mga kriminal o nagkasala sa batas para mabigyan ng hustisya ang mga nabiktima.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang nasabing akusado para sa kaukulang dukomentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. Rey Velasco

Previous articleOperasyon ng PNR ihihinto simula Marso 28 sa NSCR construction
Next articleWalang namomonitor na barko ng China sa Philippine Rise – PCG