Home HOME BANNER STORY Walang namomonitor na barko ng China sa Philippine Rise – PCG

Walang namomonitor na barko ng China sa Philippine Rise – PCG

MANILA, Philippines – Walang namomonitor na barko ng China sa Philippine (Benham) Rise hanggang nitong Biyernes, Marso 8, sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Rear Admiral Armand Balilo.

“The patrol operations in Benham Rise are still ongoing, but there are no sightings of any Chinese vessels in the area,” ani Balilo.

Noong Lunes, ipinadala ng PCG ang isa sa pinakamalaking barko nito na BRP Gabriela Silang sa dulong hilagang-silangan ng naturang lugar na pasok sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa para sa two-week mission.

Ipinadala ang 84-meter vessel sa lugar matapos na iulat ang presensya ng dalawang Chinese research vessels kamakailan.

Nilinaw naman ni Commodore Roy Vincent Trinidad, Navy spokesperson for the West Philippine Sea, na ang research ships na Haiyang Dizhi Liuhao at Haiyang Dizhi Liuhao ay nasa labas na ng EEZ ng bansa mula noong Linggo. RNT/JGC

Previous articleBinatang rapist na Top 9 MWP sa region 2, arestado
Next articlePulis binaril-patay kasunod ng napatay na asawa