Home METRO Binatilyo huli sa pagtangay ng motorsiklo sa checkpoint

Binatilyo huli sa pagtangay ng motorsiklo sa checkpoint

STA FE, Nueva Vizcaya – Nahuli ang isang binatilyo na tumangay ng motorisklo sa Tiguegarao City, Cagayan matapos na masita ng kapulisan sa border control checkpoint sa Brgy. Tactac, Sta Fe, Nueva Vizcaya

Sa ipinarating na ulat ni PLt. Marinilio Malillin, Platoon Leader ng 205th Mobile Company na nakabase sa naturang checkpoint kay PLtCol. Virgil Vi-con Abellera, Acting Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion 2 ay habang nagsasagawa ang 2nd Platoon, 205th Mobile Command ay napansin ng mga kapulisan ang isang Raider Suzuki na minamaneho ni Alias Jayjay, 17 anyos ,residente ng Purok 3, Brgy Punong Ganan, San Fernando, Surigao Del Norte sa kadahilanang biglang huminto at kaduda duda ang kanyang ikinikilos.

Dahilan upang itoy lapitan ng mga kapulisan nang sitahin at tanungin kung anong dahilan nito bakit ito huminto.

Habang sinisiyasat ang ipinakitang papeles ng motorsiklo ay hindi tugma sa katauhan ng driver nito at ang nakalagay sa mga rehistro.

Agad na nagsagawa ng pagpapatunay sa record at pakikipagugnayan sa Highway Patrol Group ang mga Kapulisan at doo’y napagalaman na ang motorsiklong minamaneho ni alias Jayjay ay ninakaw mula kay Edimar Saralla Y Bejer, residente ng Brgy Canayun, Abulug, Cagayan kung saan ay naipaulat na nawawala sa Brgy. Balsain West, Tuguegarao City, Cagayan.

Agad ipinasakamay na sa may-ari ang nasabing tinangay na motorsiklo. Rey Velasco