Home ENTERTAINMENT Fans, duda sa relasyon ni Kathryn sa pulitiko!

Fans, duda sa relasyon ni Kathryn sa pulitiko!

Manila, Philippines- Nalungkot umano ang mga faney ng KathDen sa tsikang huminto na raw sa panliligaw si Alden Richards kay Kathryn Bernardo. Pero hindi naman ito nakumpirma.

Pero ang ikinaloka ng netizens at ng mga KathNiel at KathDen faney ay ang tsikang may relasyon na raw sina Kathryn at Lucena Mayor Mark Alcala.

May mga nagki-claim nga na nakikita nga raw nila si Kathryn sa Lucena at meron pang sinasabing spotted sa isang restaurant si Kath kasama ang naturang mayor.

Pero ni isang larawan ay wala namang maipakita.

At ang tanong ng mga KathNiel at KathDen faney, bakit naman daw si Kathryn pa ang dadayo sa Lucena?

May mga nagdududa naman sa timing ng nasabing tsika dahil nga mag-i eleksyon.

Baka raw nagagamit si Kathryn sa pulitika.

Sey naman ng mga taga-Lucena, wala naman daw kalaban si Mayor Mark kaya hindi naman daw nito need gumimik at manggamit.

Well, sey ng aming source, nanliligaw naman daw talaga si Mayor Mark kay Kathryn, pero hindi pa raw sila mag-jowa gaya nga ng mga lumalabas na balita. Rommel Placente