PANGASINAN – Kulong ang isang lalaking guro sa umano’y pagghasa sa kanyang estudyanteng 12-anyos na lalaki sa loob pa mismo ng silid-aralan sa bayan ng Sta. Barbara.
Ayon sa biktimang grade 6 pupil, nitong Mayo 12, pinapasok umano siya ng suspek para sa graduation ceremony practice.
Wala umanong nangyaring praktis para sa graduation sa halip ay pinapasok umano ang biktima sa klasrum ang doon siya hinawakan ng guro sa maseselang bahagi ng kaniyang katawan.
Pagkauwi ng biktima sa kanilang bahay ay dito na siya nagsumbong habang umiiyak.
“Umiiyak ang anak ko na nagsusumbong sa akin na, ‘Ayaw ko na pumasok dahil ang teacher ko bastos,’” anang ina ng biktima.
Sinabi ni Police Lieutenant Colonel Jun Wacnag, hepe ng Sta. Barbara Police Station, dati na umanong ginagawa ng suspek ang kalaswaan sa estudyante pero ngayon lang ito nagkaroon ng lakas ng loob na magsumbong. RNT