Home METRO Kelot utas sa paglinis ng kanal

Kelot utas sa paglinis ng kanal

CEBU CITY, Philippines — Patay ang isang 58-anyos na lalaki matapos itong ma-trap sa loob ng kanal sa kahabaan ng A. Lopez St., Barangay Calamba sa Cebu City noong Martes ng tanghali, Mayo 14, 2024.

Kinilala ang biktima na si Teodorico Bayarcal, residente ng lugar, na nagboluntaryong linisin ang kanal para maihanda ito sa paparating na tag-ulan.

Nabatid na habang nililinis ni Bayarcal ang main entrance ng kanal, biglang dumating ang bulto ng wastewater at inanod siya.

Natagpuan ang bangkay ni Bayarcal 2 metro mula sa pasukan ng kanal.

Agad namang nirespondehan ng mga rescue team at mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang lugar, at matagumpay na narekober ang kanyang bangkay isang oras matapos ang insidente. RNT