MANILA, Philippines – Inaresto ng pulisya ang isang lalaki sa kanyang pinagtatrabahuan sa Dasmariñas, Cavite matapos umanong halayin ang kanyang 15-anyos na kapitbahay sa San Juan.
Base sa ulat na nag-alok umano ng pera ang suspek sa biktima na nauwi sa pakikipagtalik at tuluyang panggagahasa noong Setyembre.
“Magkakilala, kaya nagkapalagayan ng loob. Naisagawa ang acts of lasciviousness noon September 9… Siguro nabaitan ang biktima [kasi] binibigyan ng pera, siguro nagkapalagayan ng loob, naisagawa na ang krimen,” ani San Juan Chief of Police Police Colonel Allan Reglos.
Ang biktima ay ginahasa umano noong Setyembre 11.
Arestado ang suspek dahil sa panggagahasa kaugnay ng Child Abuse at kasalukuyang nakakulong sa Male Dormitory of San Juan Detention Facility. RNT