Home NATIONWIDE CBCP sa kabataan: Nuclear-free world ipaglaban

CBCP sa kabataan: Nuclear-free world ipaglaban

MANILA, Philippines – Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga kabataan na makiisa sa pandaigdigang kilusan na nagtutulak para sa isang mundong walang lumalaganap na nuklear.

“For this year, our focus is on the grave threat of nuclear weapons, emphasized by Pope Francis and global leaders,” sabi ni CBCP president Bishop Pablo Virgilio David sa isang pahayag.

“We aim to engage our youth in advocating for a world free from the risks of nuclear proliferation,” idinagdag pa.

Sinabi ni David na ang pandaigdigang pagdiriwang ng “International Day of Conscience” sa Hunyo 16, opisyal na kinilala ni Pope Francis ang araw para iayon ito sa matapang na pagkilos ng Portuguese diplomat na si Aristides de Sousa Mendes.

Si Mendes ay kinikilala sa pagliligtas ng libu-libong Hudyo at iba pa sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga visa upang tumakas sa France na sinakop ng Nazi noong 1940.

Ang kanyang gawa ng konsensiya, na nakaugat sa kanyang pananampalatayang Katoliko, ay nagtulak sa kanya na suwayin ang mga utos ng kanyang pamahalaan at tumulong sa mga nangangailangan – ang mga pagkilos na ito ay nagdulot sa kanya ng matinding paghihiganti sa kanyang buhay, ayon sa simbahan.

 Idinagdag ni David na upang mas maiayon ang mga pagdiriwang na ito, simula sa susunod na taon, iminungkahi ng Simbahan na ipagdiwang ang Araw ng Konsensya ng Linggo na pinakamalapit sa Abril 3 at 5 upang maiugnay ang alaala ng pagpanaw ni Mendes sa  UN day. Jocelyn Tabangcura-Domenden