Home METRO Binatilyo patay sa dump truck

Binatilyo patay sa dump truck

PIKIT, Cotabato- MAAGANG binawian ng buhay ang dalawang binatilyo matapos sumalpok sa dump truck ang sinasakyan nilang motorsiklo, iniulat kahapon, Marso 23 sa bayang ito.

Kinilala ang mga biktimang sina Akh Salahuden S. Salipon at Alinor Asim, kapwa ng Pikit, Cotabato.

Batay sa report ng Pikit Municipal Police Station, bandang 11:40 PM nang maganap ang insidente sa national highway na sakop ng Takepan North Cotabato.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dumalo ang mga biktima sa plaza at sa isa sa mga ito ay kasali sa pagbasa ng Qur-an.

Pauwi na sana ang mga biktima sakay ng motorsiklo ng bigla na lamang silang bumangga sa likurang bahagi ng dump truck.

Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan. Mary Anne Sapico

Previous articleBong Go umayuda sa Iloilo displaced workers
Next article3 most wanted timbog sa manhunt ops sa Las PiƱas