Home NATIONWIDE Bong Go umayuda sa Iloilo displaced workers

Bong Go umayuda sa Iloilo displaced workers

MANILA, Philippines – Bumisita si Senator Christopher “Bong” Go sa Lambunao, Iloilo para magbigay ng tulong at suporta sa mga displaced worker matapos ang groundbreaking ng isang Super Health Center sa bayan.

Binigyang-diin ni Go ang agarang pangangailangang suportahan ng pamahalaan ang mga mahihirap, lalo ang mga nabibigatan sa mga hamon sa ekonomiya.

Sa kanyang talumpati sa aktibidad sa municipal gymnasium, binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng pagbibigay ng kinakailangang tulong sa kabuhayan upang palakasin ang kapakanan ng mga indibidwal na nahaharap sa kahirapan.

Namahagi si Go at ang kanyang Malasakit Team ng mga grocery packs, meryenda, bitamina, masks, at kamiseta sa 500 residente. Namigay din sila ng bisikleta, sapatos, mobile phone, relo, at mga bola ng basketball at volleyball.

Alinsunod sa kanyang adbokasiya na patibayin ang mekanismo ng suporta para sa mahihirap, inihain ni Senador Go ang Senate Bill No. 420 upang itaguyod ang mga oportunidad sa trabaho para sa mga kabahayan sa kanayunan na mababa ang kita.

Ang iminungkahing batas ay layong i-institutionalize ang Rural Employment Assistance Program (REAP) na magbibigay ng pansamantalang oportunidad sa mga displaced worker sa mga rural na lugar.

Ang REAP ay inaasahang magsisilbi bilang isang mahalagang linya ng buhay para sa mga karapat-dapat na miyembro ng mga komunidad sa kanayunan tungo sa katatagan ng ekonomiya.

Sa nasabing aktibidad, nagsagawa rin ng orientation session ang mga kinatawan mula sa Department of Labor and Employment para sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers (TUPAD) program.

Ang inisyatibang ito ay bahagi ng isang mas malawak na pagsisikap na magbigay ng suporta sa displaced workers na nangangailangan ng gabay at tulong sa kanilang daan patungo sa trabaho.

Kaugnay nito, pinuri ni Sen. Go ang lokal na pamahalaan ng Lambunao sa kanilang walang patid na dedikasyon sa pagtulong sa kanilang mga nasasakupan, kabilang sina Governor Arthur “Toto” Defensor, Jr., Vice Governor Christine Garin, Congressman Lorenz Defensor, Mayor Reynor Gonzales, at Vice Mayor Arvin Losaria.

Namahagi rin ang Malasakit Team ni Go sa Iloilo City ng karagdagang tulong sa mga biktima ng sunog at mga mahihirap.

Nag-alok pa ng karagdagang tulong si Go, chairperson ng Senate committee on health and demography, sa mga Ilonggo ng tulong medikal sa pamamagitan ng Malasakit Centers sa lalawigan.

Ang mga Malasakit Center sa Iloilo City ay matatagpuan sa West Visayas State University Medical Center at Western Visayas Medical Center. Ang iba pang Malasakit Centers sa lalawigan ay nasa Don Jose S. Monfort Medical Center Extension Hospital sa Barotac Nuevo, Western Visayas Sanitarium at General Hospital sa Santa Barbara. RNT

Previous articleScolio ni Cat, lumalala!
Next articleBinatilyo patay sa dump truck