Home ENTERTAINMENT Scolio ni Cat, lumalala!

Scolio ni Cat, lumalala!

Manila, Philippines – Not everyone knew na noong nag-compete si Catriona Gray sa Miss Universe held in Thailand noong 2018 ay iniinda na niya ang kanyang scoliosis.

Mismong ang kapwa niya beauty queen na si Nicole Cordoves confirmed this herself.

Ayon sa kanya, sa sobrang pahirap daw ng scoliosis ay iniiyakan ito nang sobra ni Catriona.

Hindi raw kasi maipaliwanag ang dulot nitong sakit lalo pa’t Catriona had to train para sa rampahan.

‘Yun palang “lava walk” na pinauso mismo ni Catriona during the pageant wasn’t a walk in the park.

Nakuha lang daw nitong pekein how easy it was to execute the lava walk well, pero dusa kung tutuusin.

Catriona had to do pilates and other forms of exercise to address her scolio.

Bale ba, the older she gets ay lalo daw niyang nararamdaman ang epekto ng scoliosis.

Ilan sa mga kilalang celebrities have similar condition.

Ang magpinsang Lorna Tolentino at Zsa Zsa Padilla have been struggling with scolio for as long as they can remember.

Umaasa naman ang mga fans ni Catriona na hindi ito magdudulot ng problema that might get in the way of her wedding sa nobyo niyang si Sam Milby. Ronnie Carrasco III

Previous articleMiyembro ng crime group tiklo sa baril sa Taguig
Next articleBong Go umayuda sa Iloilo displaced workers