Home NATIONWIDE P32B illegal drugs nasamsam sa unang 21 buwan ng Marcos admin –...

P32B illegal drugs nasamsam sa unang 21 buwan ng Marcos admin – PCO

MANILA, Philippines- Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na nakasamsam ang mga awtoridad ng halos P32 bilyong halaga ng illegal narcotics sa ilalim ng kampanya ng administrasyong Marcos sa unang 21 buwan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tanggapan o mula July 1, 2022, hanggang April 21, 2024, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Tinukoy si PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo, sinabi ng PCO na sakop ng pigura ang operasyon na nauwi sa pagkakasamsam sa halos 990 kilo ng ilegal na droga noong October 2022 at pag-aresto sa isang Chinese national noong April 15 ngayong taon.

Ayon kay Fajardo, isinakatuparan ng PNP ang anti-illegal drugs campaign nito sa pamamagitan ng holistic approach at pinaigting ang “demand reduction drive” sa pamamagitan ng Buhay Ingatan, Droga’y Iwasan (BIDA) Program sa pamamagitan pa rin ng pagtatayo ng higit pang rehabilitation centers kabilang na iyong mga nakabase sa mga komunidad.

Katuwang ng BIDA Program ang ibang national government agencies, local government units (LGUs), private sector, at faith-based and civil organizations. Mas nakatuon ito sa ‘drug demand reduction at rehabilitation’ sa mga komunidad, suportado ng law enforcement agencies.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Interior Secretary Benhur Abalos na dahil sa BIDA program, mayroong 400,000 advocates ang nagpartisipa sa iba’t ibang BIDA activities ng DILG.

Nakita naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang improvement sa 28,000 barangay na naitalang drug-clear at mahigit naman ang 6,000 na drug-free barangay.

“Our local government units implemented community-based drug rehabilitation program, with 1,534 LGUs recorded to have their own community-based drug rehab,” ayon kay Abalos.

“So this community-based drug rehab programs have already produced 182,846 graduates from the program and eight of them to be reintegrated back to their communities,” dagdag na pahayag ng Kalihim.

Tinuran ni Abalos na iba’t ibang interbensyon at fitness programs ang naipagkaloob sa mahigit sa 20,000 kasalukuyang naka-enroll sa community-based drug rehabilitation campaign ng departamento.

Samantala, binibigyan naman ng insentibo ng DILG ang mga komunidad na patuloy na nilalabanan ang drug abuse, at 14 LGUs ang napagkalooban na ng special awards para sa kanilang community-based rehabilitation.

Kahalintulad na rin na may 246 local Anti-Drug Abuse Councils (ADAC) ang pinarangalan para sa kanilang natatanging pagganap sa kanilang mandato at papel sa komunidad. Kris Jose