Home HOME BANNER STORY Pinakamainit na air temperature sa Metro Manila naitala

Pinakamainit na air temperature sa Metro Manila naitala

MANILA, Philippines- Naitala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado, April 27 ang pinakamataas na air temperature sa Metro Manila.

Batay sa monitoring ng PAGASA, naitala ang temperaturang 38.8 Celsius (℃) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Station sa Pasay City ng alas-2:53 ng hapon nitong April 27.

Katumbas ito ng heat index na 45℃.

Makikita sa datos ng PAGASA na nalampasan nito ang nakaraang record na 38.6℃ na naitala sa May 17, 1915, sa Port Area, Manila.

Nagbabala ang PAGASA na magpapatuloy ang mainit na panahon hanggang Mayo kung kailan karaniwang naitatala ang pinakamaiinit na araw.

Nakararanas ang bansa ng matinding init dahil sa tag-init na pinalala pa ng umiiral na El Niño. RNT/SA