Home METRO Binatilyo sa Tondo patay sa Russian Roulette

Binatilyo sa Tondo patay sa Russian Roulette

MANILA, Philippines – Patay ang isang binatilyo sa Tondo, Maynila matapos na maglaro ng Russian Roulette kasama ang kanyang pinsan.

Ayon sa ulat nitong Biyernes, Pebrero 9, nabaril ng kanyang 22-anyos na pinsan ang 14-anyos na biktima nitong Huwebes.

“Nung una hindi raw ito (baril) pumuputok, pangatlo, pang-apat tsaka ito pumutok at tinamaan na nga ‘yung bata sa ulo,” ayon kay Police Captain Dennis Turla, homicide section chief ng Manila Police District.

Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay kalaunan.

Naaresto naman ang suspek na tumangging magbigay ng pahayag.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung saan nito nabili ang baril.

Mahaharap sa reklamong homicide ang suspek. RNT/JGC