MANILA, Philippines – Patay ang isang 17-anyos na binatilyong rider matapos na sumalpok ang sinasakyan nito sa isang SUV sa General Santos City.
Inaalam pa kung ang biktima ay kasali sa inireklamong drag race sa lugar.
Ayon sa ulat, normal ang daloy ng trapiko sa Fil-Am Road, Barangay Fatima madaling araw ng Biyernes, Abril 5, nang sumulpot ang motorsiklo mula sa kabilang lane at bumangga sa harapan ng isang SUV.
Dito na tumilapon ang rider na dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Wasak naman ang harapan ng SUV dahil sa lakas ng impact.
Batay sa imbestigasyon ng Traffic and Enforcement Unit, may nagtimbre umano na may nagsasagawa ng drag race sa lugar.
Dahil dito ay nagsagawa sila ng operasyon sa lugar ngunit wala na silang naabutan.
Inaalam pa ng pulisya kung kasama ang binatilyo sa drag race na inireklamo.
Nagkasundo naman ang drayber ng SUV at kaanak ng binatilyo na magbibigay ng tulong pinansyal sa pamilya ng nasawi. RNT/JGC