BENGUET, Philippines – Isang gate ng Binga Dam sa Benguet ang binuksan nitong Sabado ng umaga sa gitna ng malakas na pag-ulan mula sa Tropical Storm Crising.
Nakabukas ang gate ng Binga Dam sa 0.5 meters o 91.64 cms para magpalabas ng tubig, ayon sa datos ng PAGASA.
Hanggang alas-8 ng umaga nitong Sabado, ang lebel ng tubig sa reservoir ng dam ay nasa 573.05 metro, malapit sa 575-meter spilling level.
Ang hilagang bahagi ng Benguet (Bakun, Mankayan, Buguias, Kibungan, Kabayan, Atok, Kapangan) ay inilagay sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 noong Sabado dahil sa Crising, sabi ng PAGASA.
Inaasahang lalabas si Crising sa Philippine Area of Responsibility sa loob ng araw. RNT/MND