Home ENTERTAINMENT BINI Jhoanna, pinasok ang acting, tampok sa Sari-Sari Stories!

BINI Jhoanna, pinasok ang acting, tampok sa Sari-Sari Stories!

235
0
Screenshot

Manila, Philippines – Sikat na nga talaga ang BINI.

Kahit si BINI Jhoanna ay gumagawa na rin ng sariling pangalan on her own.

In conmection with ths, ipinagpapatuloy naman ng Puregold ang pasasalamat nito sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante via sa mga serye ng mga Sari-Sari Stories, sa pinakabago nitong video na nagtatampok ng espesyal na cameo mula mismo kay Jhoanna ng BINI.

Ang “The Witness” ay isang maigsing pelikula ng kuwentong pag-ibig, coming of age, at ang pagyabong ng pagmamahal sa pagdaan ng mga taon, na hinubog ng pagmamahal at pananatili-na natunghayan ng tahimik na presensya ng may-ari ng sari-sari store.

Dagdag sa ganda at koneksyon sa naratibo ang cameo ni Jhoanna, at binibigyang-diin nito ang mensahe ng pelikula: pasasalamat sa mga may-ari ng maliliit na negosyo sa bansa.

Sinang-ayunan ni Jhoanna ang gampanin ng mga sari-sari store sa araw-araw nating pamumuhay, “Importante na hindi mawala ang sari-sari store. Bukod sa pagiging very Pinoy, ito pa rin ang pinaka-accessible sa maraming komunidad. Iba pa rin yung may mapupuntahan kang malapit sa’yo.”

Sinusundan ng pinakabagong Sari-Sari Story ang umuusbong na pag-iibigan ng dalawang magkababata, at ang pagyabang ng munting pagmamahal sa pagdaan ng mga taon tungo sa isang tunay at tumatagal na relasyon. Ipinapakita ng video ang ligaya at lungkot ng kanilang samahan, mula sa perspektiba ng may-ari ng sari-sari store na nakita ang lahat.

Kahawig ng pananaw ni Jhoanna ang damdamin ni Puregold senior marketing manager Ivy Hayaga-Piedad, “Lagi-lagi, kakampi ang Puregold ang mga maliliit na negosyante sa bansa. Sa pamamagitan ng Sari-Sari Stories, patuloy na naiaangat ang gampanin ng mga may-ari ng sari-sari store sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

“Dahil sa akses sa mga pangangailangan, pinagtatagpo din ng mga tindahang ito ang mga tao sa komunidad.”

Pagpapatuloy ang “The Witness” ng mahuhusay na kuwento mula sa Sari-Sari Stories, gaya ng “Ways” na itinampok si Stell ng SB19, at “The Sign,” na isinama naman si Skusta Clee.

Sa kabuoan, nagsimula na ang mga usapan sa mga serye, at nakaramdam na rin ng koneksyon sa mga kuwento ang mga netizen. Ito ay patunay na mahalaga ang parte ng mga sari-sari store sa araw-araw na buhay ng mga Pilipino.

Habang nagpapatuloy ang serye, lalo pang nahihikayat ang mga manonood na abangan ang susunod na kuwento, isang repleksyon ng integrasyon ng mga sari-sari store sa buhay ng mga tao at sa mga pinagsisilbihan nitong komunidad. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here