Home NATIONWIDE Mas matibay na judicial cooperation sa Pinas, iginiit ng Japan

Mas matibay na judicial cooperation sa Pinas, iginiit ng Japan

197
0

MANILA, Philippines – Muling iginiit ng Japan ang pangako nitong palakasin ang judicial cooperation sa Pilipinas matapos ang pagbisita ng kanilang envoy sa Department of Justice (DOJ) kamakailan.

Sa pahayag ng Embassy of Japan in the Philippines, sinabi na nagbigay ng courtesy call si Ambassador Endo Kazuya kay Justice Secretary Fredderick Vida upang talakayin ang ugnayang hudisyal ng Maynila at Tokyo.

“This visit reaffirms Japan’s commitment to further strengthen judicial cooperation with the country,” ayon kay Ambassador Endo.

“It also underscores our intention to deepen collaboration in legal frameworks and governance, reinforcing a shared commitment to the rule of law and institutional development,” dagdag pa niya.

Ipinahayag din ng embahador ang pasasalamat sa mabilis na pag-aresto at deportasyon ng mga Japanese fugitive suspects ng mga lokal na awtoridad, na aniya’y patunay ng epektibong kooperasyon ng law enforcement ng dalawang bansa.

Noong Enero ng nakaraang taon, iniulat ng mga awtoridad ng Pilipinas ang pag-aresto sa isang Japanese fugitive na wanted sa Tokyo dahil umano sa panlilinlang sa kapwa Hapones. Ang suspek na si Yokota Tetsuya ay ipinatapon pabalik sa Japan at tuluyang pinagbawalang makabalik sa Pilipinas.

Noong 2023 naman, ipinatapon din ang ilang Japanese “Luffy” criminal ringleaders na pinaniniwalaang nasa likod ng serye ng mga pagnanakaw at telephone fraud cases sa Japan. Ayon sa NHK, ang grupo ay iniuugnay sa humigit-kumulang 2,300 kaso ng panloloko na nagkakahalaga ng 3.5 bilyong yen o tinatayang P1.4 bilyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here