Home ENTERTAINMENT Binoe, lumabas sa action series, binarag!

Binoe, lumabas sa action series, binarag!

96
0

Manila, Philippines – Pinagtulungang baragin ng mga netizens sa X si Senator Robin Padilla dahil sa kanyang exposure sa action series tampok sina Richard Gutierrez, Bela Padilla at

Gerlad Anderson.

Matutunghayan sa social media kung paano i-promote ang “rare appearance” ng mambabatas who plays the role of a Muslim.

lisa lang ang isinasaad ng mga comments–ayaw nila kay Robin.

Anila, hindi nila maintindihan kung bakit binigyan ng platform ang aktor considering na marami daw ang mga “bobotante.”

Bakit daw si Robin sa dinami-dami ng mga artista na puwedeng kunin?

Ang bottom line doon ay ang ‘di nila malilimutang stand ni Robin noon na ipasara ang ABS-CBN.

“Stop giving platforms to people who vow to destroy you! Nakakaloka kayo!” hirit ng isang netizen.

Giit pa ng isang netizen: “The sad thing about it is dito lang sa X mas nagagalit ang mga tao. Sa Facebook, ang daming papuri kay Binoe. We are failing as a country!”

Wala pang reaksyon ang kampo ni Robin sa mga banat na ito laban sa kanya.

As if naman pakikinggan ang depensa niya–eh, trabaho lang ‘yon. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here