Home ENTERTAINMENT Binoe, may anak sa labas?

Binoe, may anak sa labas?

Manila, Philippines- Not because she looks exactly like Kylie Padilla ay anak ni Senator Robin Padilla sa labas ang isang baguhang aktres.

Ikinagulat nga ng newbie na si Sophie Ng ang tsismis na pinaniwalaan naman ng mga taong nanood ng taping niya na kinunan sa Hinulugang Taktak.

Kuwento ng bida sa pelikulang Her Locket, dinumog daw siya ng mga spectators sa set sa pag-aakalang anak siya ni Robin.

From afar kasi ay aakalain mo ngang Sophie is the solon’s daughter na carbon copy ng anak nitong si Kylie.

Pagkatapos sumigaw ng “Cut!” ang direktor sa taping ay bigla na lang daw dinumog si Sophie ng mga miron doon.

Nalaman na lang niya ito nang may nakapagsabing may isang tao–presumably from the crowd–na nagkalat na anak siya sa labas ng senador.

Although nahiya siya’y pinagtawanan na lang ni Sophie ang tsismis.

Somehow, flattered siya na mapagkamalang anak ni Robin.

For all she knows, baka ‘yun pa nga ang magbigay-daan para magkaroon sila ng project together ni Kylie.

Dahil magkamukha nga, they can play sisters.

At least, mabuting malaman that Sophie is in no way blood-related to Robin.

Dahil kung anak nga siya ng senador ay sino ang ina niya who Robin got pregnant?

Personal na bang na-meet ni Sophie ang kanyang look-alike as though para lang siyang nananalamin? Ronnie Carrasco III