MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso PORMAL ang groundbreaking ng Binondominium 2 sa San Nicolas, Maynila — ang ika-anim na vertical housing project ng lungsod sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Nabatid na itatayo ang gusali sa 405-square-meter na lote na may kabuuang floor area na 6,277.5 square meters. Maglalaman ito ng 98 residential units na tig-40 square meters bawat isa.
Bawat unit ay may dalawang kuwarto, sariling palikuran at paliguan, kusina, kainan at sala na sapat para sa disenteng pamumuhay ng mga pamilyang benepisyaryo.







