Home NATIONWIDE BIR bumuo ng Task Force na sisiyasat sa pagbabayad ng buwis ng...

BIR bumuo ng Task Force na sisiyasat sa pagbabayad ng buwis ng socmed personalities

MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na isang Task Force na ang binuo ng ahensya na magsasagawa ng audit sa kita ng social media personalities.

Sa pagdinig ng House Tri Comm ukol sa fake news at disinformation, sinabi ni Atty. Ron Mikhail Uy ng BIR na alinsunod sa direktiba ng Kamara ay kanila nang sinimulan ang tax audit sa mga social media content creator.

Matatandaang una nang inatasan ni Antipolo Rep. Romeo Acop ang BIR na silipin kung nagbabayad ng buwis ang social media personalities.

Sa naturang pagdinig ay ini-report ang binubuwisan ng ahensya at ang kani-kanilang binayarang buwis.

Ipinabatid ni Uy sa panel ang kanilang ginagawang hakbang at nagbigay ang BIR ng listahan ng 27 social media personalities na iniimbestigahan na.

“We have investigated their accounts and most of them are registered indeed. But considering that they are not a company, . Some of the influencers, their names are similar to other taxpayers. One of them has been tagged for 17-18 names,” ayon kay Uy.

Tinanong ni Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez kung nagbabayad ng buwis sa Pilipinas ang Facebook, YouTube, Instagram, at X (dating Twitter).

Sinabi ni Uy na dahil ang mga kompanyang ito ay “non-resident foreign corporations” ay dapat nagbabayad sila ng buwis, ani Uy, isusumite nila sa susunod na pagdinig ang report ukol sa pagbabayad ng Facebook, Youtube at X.

Inusisa rin ni Suarez kung nagbabayad ng buwis ang mga naimbitahang vlogger, sinagot ito ni dating Press Secretary Trixie Cruz Angeles at sinabing sila ay nagbabayad ng buwis. Gail Mendoza