Home NATIONWIDE BIR may 7K bakanteng posisyon sa sobrang babang sahod

BIR may 7K bakanteng posisyon sa sobrang babang sahod

MANILA, Philippines – IBINUNYAG ng pamunuan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nasa mahigit 7,000 ang kanilang bakanteng posisyon ang hindi nila mapunan dahil sa mababang alok na suweldo ng nabanggit na ahensya.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. sa ginanap na delibeasyon ng senado sa panukalang 2024 budget ng Department of Finance noong Lunes, pangunahin umano nilang problema ang pagre-recruit ng mga personnel dahil sa mababang sahod umano na inaalok ng BIR kumpara sa sa mga prosecutors at PAO.

“For BIR the main problems we’re having, well we’re addressing it right now, it’s (we’re) active in promotions so that we can hire more employees, we’re also aggressive in HR provinces, so that the regions can hire on its own, without undergoing to the national office,” ani Lumagui.

Sinabi ni Lumagui na ang mga tanggapang panlalawigan ang may pinakamaraming posisyon na hindi napuno. Aniya, kumpara sa ibang ahensya tulad ng Civil Service na may ₱51,000 monthly para sa mga entry lawyer nito, ang BIR ay nag-aalok lamang ng ₱27,000 na suweldo.

Sinabi ni Senador Win Gachalian na kung mababa ang suweldo ng mga empleyado, maaaring mangyari ang katiwalian at tukso. Sinabi rin niya na ang Bureau of Customs ay mayroong 2,061 na hindi napunan na posisyon.

“No matter how we improve the process, if the basic attraction-which is the salary is low, it’s gonna be difficult for the BIR and the BOC to attract talents especially this is an enforcement group,” ani Gachalian.

Iginiit din ni Lumagui na kailangan nila ng suporta para sa pagsasaayos ng suweldo ng kanilang mga empleyado.

Ayon naman kay Sec. Benjamin Diokno, dapat isaalang-alang ng BIR hindi lamang ang salary adjustments kundi maging ang reclassification ng mga posisyon ng mga tax collectors at abogado.

“That item [tax collector position] is important kasi there’s no comparable position in other government agencies eh, so puwede pong i-reevaluate ‘yun, collector…So siguro we wish to consider reclassifying the position of their tax collectors and their lawyers,” ani Diokno. JR Reyes