Home HEALTH Kaso ng tigdas sa Pinas sumirit sa 2023

Kaso ng tigdas sa Pinas sumirit sa 2023

MANILA, Philippines – Nakitaan ng Department of Health (DOH) ng matinding pagtaas ng kaso ng tigdas sa bansa ngayong taon.

Batay sa Epidemic-prone Disease Case Surveillance (EDCS) Weekly Report na naka-post sa website nito, iniulat ng DOH na mayroong 1,179 na kaso ng tigdas ang naitala mula Enero 1 hanggang Agosto 26, 2023.

Mula sa 371 kaso noong 2022, sinabi ng DOH na ang mga kaso ng tigdas ay sumipa ng 218 percent ngayong taon.

Samantala, ang datos mula sa DOH ay ngpapalita na ang Pilipinas ay nakapagtala ng apat na nasawi mula sa tigdas ngayong 2023 kumpara sa isang naitalang namatay noong 2022.

Ang rehiyon na may pinakamataas na bilang ng naitalang kaso ay ang Region III (Central Luzon) na may 188 kaso ngayong taon mula 28 kaso noong nakaraang taon na nagappakita ng 571-porsiyento makabuluhang pagtaas.

Naobserbahan naman ang mga rehiyon na may mataas na pagsirit mula 2022 Hanggang 2023 kabilang ang Cordillera Administrative Region (CAR) na may 1,500 percent increase o mula Isa hanggang 16 kaso ; SOCCSKSARGEN (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, General Santos) na may 1,067 percent increase o mula 9 hanggang 105 kaso ; at Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) na may 767 percent o mula 18 hanggang 156 mga kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden